Recent Posts

Breaking News

Habang walang sey si Duterte, 1-metro na physical distance pananatilihin

Habang wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte, ibabalik muna sa isang metro ang pagitan sa mga pasahero sa public utility vehicles (PUV).

Pinag-utos ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pulong ng COVID-19 pandemic response task force ng gobyerno, ayon sa tweet ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw.

“Balik 1-meter distancing po muna tayo sa pampublikong transportasyon habang wala pa pong desisyon ang Presidente kung pupuwede itong maibaba sa 0.75 meters,” sambit naman ni Roque sa press briefing sa MalacaƱang.

Pinatupad nitong Lunes ang pagpapaikli ng physical distance mula 1 metro patungong 0.75 metro.

Pero tinutulan ito ng mga health professional at ilang miyembro ng Gabinete.

Sabi ni Roque, si Duterte na ang magpapasya sa polisiya dahil hindi nagkasundo ang task force ukol dito.

The post Habang walang sey si Duterte, 1-metro na physical distance pananatilihin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/habang-walang-sey-si-duterte-1-metro-na-physical-distance-pananatilihin/)

Walang komento