Recent Posts

Breaking News

Gomez bagong kasangga ng Ateneo

Nakakuha ng kakamping half-Noypi, half-Italyano ang Ateneo Blue Eagles nang masungkit si Patrick Gomez.

Maglalaro para sa Katipunan-based squad ang 20-anyos sa susunod na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 upang samahang ang ilang Blue Eagles stars na sina SJ Belangel, Gian Mamuyac at Tyler Tio.

Hindi na siya dadaan sa residency dahil kaka-graduate pa lang nito ng high school sa ibang bansa.

Bagama’t lumaki sa ibayong dagat, hindi na bago kay Gomez ang Pinoy basketball dahil naglaro na rin siya sa Chooks-to-Go National Basketball Training Center (NBTC) noong 2019.

May NBTC ng team-high average na 19.0 points, 6.0 rebounds, 3.2 assists, and 1.2 steals ang baller. (Aivan Denzel Episcope)

The post Gomez bagong kasangga ng Ateneo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gomez-bagong-kasangga-ng-ateneo/)

Walang komento