Recent Posts

Breaking News

Gobyerno kinalampag sa Kaliwa Dam project

Muling nanawagan si Senador Imee Marcos sa gobyerno na ayusin ang problema sa mga tribal community na apektado ng Kaliwa Dam project para na rin sa seguridad ng pangmatagalang supply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Hiniling ito ng senador dahil nangangamba umano ito na magkaroon ng water shortage kung kaya’t kinakailangan ng long-term solution hinggil dito.

Inihalimbawa ni Marcos na sa kabila umano ng mga pag-ulan niton mga nakalipas na buwan ay patuloy na bumababa ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nakapagtala aniya ng minimum operating level na 180 meters simula pa noong Huwebes, na malayo sa highest level na 204.5 meters na naitala noong Enero.

Giit ng senador na panahon na para resolbahin ang patuloy na problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Kinalampag nito ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para kumilos.

Sabi ni Marcos, kailangang maayos ang reklamo ng 32 indigenous community sa mga bayan ng General Nakar at Infanta sa Quezon na hindi umano sila binigyan ng mga hinihingi nilang dokumento para sa transparent na negosasyon.

The post Gobyerno kinalampag sa Kaliwa Dam project first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-kinalampag-sa-kaliwa-dam-project/)

Walang komento