Recent Posts

Breaking News

Go: Suicide awareness paigtingin

Nanawagan si Senador Bong Go sa Department of Health pag-ibayuhin ang suicide awareness sa mga rural na komunidad at sa mga kabataan kasunod ng lumalaking bilang ng suicide.

“Sana magkaroon ng mas malawak na program ang in-charge na agency sa suicide awareness. In a span of one month, marami pa ang nagpakamatay sa amin sa province kesa sa namatay sa COVID-19. It’s really alarming kasi mga bata pa karamihan,”pahayag ng chairman ng Senate committee on health.

Ayon sa senador, ang stress dulot ng COVID-19 pandemic at problemang pinansiyal ang siyang dahilan nang pagkakaroon ng tao ng mental illness at pagpapatiwakal.

Dagdag pa aniya diyan ang kawalan ng trabaho, pagkakaroon ng utang, isolation at anxiety na siyang nagpapasama sa mental health problem ng isang tao.

“Ang mental health issue ay hindi lang naman tungkol sa mga nag-suicide. Worst case na iyan. Karamihan sa mga mental health concerns natin ay ang anxiety, stress and depression caused by the pandemic,” sabi ni Go.

“Dahil hindi na nakakalabas ng bahay, marami ay nalulungkot. Marami ang nawalan ng trabaho, hindi alam kung saan kukunin ang pambili ng pagkain, mga gamit sa blended schooling, katulad ng laptop, at pambayad sa tuition,” dugtong pa nito.

Dahil dito, muling umapela si Go sa DOH at iba pang concerned national agencies tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development, na iprayoridad ang pagpapalawak ng access sa mental health care at psychosocial support services.

Dapat din aniyang samantalahin ng mga ahensiyang ito ang online platforms tulad ng social media at iba pang teknoilohiya kung saan maari silang makapagbigay ng libreng mental health service.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga mamamayang may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may hinaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay:

National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines
Mobile: 0917-899-8727
Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free)

The post Go: Suicide awareness paigtingin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/go-suicide-awareness-paigtingin/)

Walang komento