Recent Posts

Breaking News

Gierran `wag sana kainin ng sistema sa PhilHealth – Ping

Umaasa si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na mapapatino ng bagong president at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at huwag itong kakainin ng sistema, sa gitna ng maraming alegasyon ng korapsyon laban sa nasabing ahensya.

Ayon kay Lacson, kilala niya ang bagong Philhealth president at chief executive officer na si Dante Gierran dahil lagi nila itong nakakatrabaho noong pinamumunuan pa nito ang National Bureau of Investigation (NBI) kapag isinasailang sa deliberasyon ang budget ng ahensya gayundin kapag may iniimbestigahan ang Senado.

“Maraming accomplishment ang NBI under his watch. Sa tingin ko maganda ang kanyang gagawin sa PhilHealth,” sabi ni Lacson.

Subalit para umano kay Lacson, makikilala ang karakter ng isang tao kapag binigyan ng dalawang bagay: poser, authority, at harapan ng pera.

“`Pag limpak-limpak ang mapapasok sa kanyang kuwarto doon mo makikilala. I am not prejudging him kasi sabi ko nga pagkakilala ko sa kanya mabuting tao. Pero di mo talaga lubos makilala ang isang tao hanggangdi siya nahaharap sa magkaroon siya ng kapangyarihan at may opportunity na madaling kumita ng pera. Doon mo lang makikilala. Maraming mababait kasi wala pang opportunity. Doon magkakaintindihan kung ano character niya. `Di ko sinasabing mawawala prinsipyo. Pero karamihang magandang intention sa una pero kung nariyan na, naiiba ang pananaw,” paliwanag pa ni Lacson sa panayam sa kanya sa radyo.

Umaasa umano si Lacson na mapanatili ni Gierran ang magandang rekord nito sa NBI at dalhin sa kanyang panunungkulan sa PhilHealth.

“I just hope hindi siya kainin ng sistema, ma-maintain lang niya ang magandang record niya sa NBI, dalhin niya sa PhilHealth at tuloy-tuluyan na niya para na rin sa kapakanan ng miyembrong umaasa sa PhilHealth,” sa pa ng senador.

The post Gierran `wag sana kainin ng sistema sa PhilHealth – Ping first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gierran-wag-sana-kainin-ng-sistema-sa-philhealth-ping/)

Walang komento