Recent Posts

Breaking News

Gierran swak na PhilHealth boss – Lacson

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na qualified si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran para pamunuan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi ito ni Lacson sa harap na rin ng mga kuwestyon hinggil sa qualification ni Gierran na naunang umamin na wala umano siyang alam o karanasan sa public health.

Nakasaad kasi sa Universal Health Care Law na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay kinakailangan na mayroong pitong taon man lamang na karanasan sa public health, management, finance at health economics o kumbinasyon ng alin man sa mga expertise na ito.

“Ang nagsasabi na di siya qualified dahil wala siyang alam sa public health, maliyan. Kasi sa UHC binasa ko batas, Sec 14 `yan. May qualification doon. Ang nakalagay public health, management, financial, ang nakalagay roon … and any combination of these expertise. Siya naman may managerial expertise dahil humawak siya ng NBI ng napakahabang panahon, pagkatapos CPA siya so financial papasok siya. So combination ng management at financial, pasok siya roon maski wala siyang alam sa public health, hindi pwedeng sabihing disqualified siya,” paliwanag ni Lacson.

Dagdag pa ng senador, “Babasahin lang ang batas kitang-kita naman na qualified siya. `v Di pwedeng sabihing di siya uubra roon.”

The post Gierran swak na PhilHealth boss – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gierran-swak-na-philhealth-boss-lacson/)

Walang komento