Recent Posts

Breaking News

Gierran bilang PhilHealth head very good choice – Sotto

Maganda umano ang pagkakapili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Bukod sa malinis ang record, sinabi ni Sotto na may karanasan sa pag-iimbestiga ang dating NBI chief na makakatulong para malinis ang PhilHealth sa katiwalian.

“Director Gierran is a very good choice as PhilHealth chief. Aside from a clean record, he has investigative skills that can crack the whip in ferreting out anomalies in the agency,” pahayag ni Sotto sa kanyang viber message sa mga reporter.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na mabuting tao si Gierran at umaasa siyang hindi mapupunta ito sa “impiyerno” sa PhilHealth na puno ng alegasyon ng korapsiyon.

“Dante Gieran will head the PhilHealth. He is a good man. I hope and I mean it – that PhilHealth will not be Dante’s Inferno,” ani Lacson.

Pinalitan ni Gierran si Ricardo Morales na nagbitiw noong nakaraang linggo bilang Philheath president at CEO matapos sabihin ni Duterte na mas makabubuting bumaba na lang ito dahil sa kanyang health condition.

Nagbitiw si Morales sa puwesto sa gitna ng magkakahiwalay na imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa PhilHealth.

The post Gierran bilang PhilHealth head very good choice – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gierran-bilang-philhealth-head-very-good-choice-sotto/)

Walang komento