Recent Posts

Breaking News

Giannis: Miami tatalunin namin ng 4 na dikit

Hindi nawalan ng pag-asa si Milwaukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo sa kabila ng kanilang kinakaharap na 0-3 disadvantage kontra Miami Heat.

Tumipa ang ‘Greek Freak’ ng 21 points at 16 rebounds, ngunit hindi ito naging sapat sa bataan ni Heat coac Eric Spoelstra, na nilimitahan lang sa 13 markers ang Bucks sa final quarter para sungkitin ang 115-100 victory at mapalapit sa Eastern Conference Finals.

“You can’t play hard for 36 minutes, you got to bring it for 48 minutes,” tugon ni Giannis sa naging masamang laro nila sa fourth canto. “We knew it coming to this series. They are playing harder than us. We got to play harder, got to play better, that’s it.”

Wala pang koponan sa NBA na nakakabangon mula sa 0-3 na pagkalugmok, ngunit kumpiyansa ang defending NBA MVP na kung mayroong team na sumungkit ng apat na sunod na panalo, iyon ay ang Milwaukee.

“If there’s a team that can beat a team four straight it can be us. We just have to believe in ourselves, we can do it,” saad ni Antetokounmpo. “We’ve done things that nobody believed we can do. I believe, I trust, and I love my teammates. I want my teammates to be confident, I am confident, we can do it.”

The post Giannis: Miami tatalunin namin ng 4 na dikit first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-miami-tatalunin-namin-ng-4-na-dikit/)

Walang komento