Recent Posts

Breaking News

Giannis malayo agwat kay LeBron sa MVP

HINDI unanimous, pero malayo-layo din ang agwat ni Giannis Antetokounmpo nang sikating ang back-to-back MVP award niya.

Nakakuha ng 85 first-place votes at 16 second-placed selections ang Milwaukee star tungo sa 962 total, malayo sa 753 ng pumangalawang si LeBron James.

Nabaliktad lang ang botohan sa dalawa, nakakuha ng 16 first-place votes at 84 seconds si LeBron.

Nakumpleto sa top five sina James Harden (367 pts), Luka Doncic (200) at Kawhi Leonard (168).

Sa mga nasa top five, si LeBron na lang ang nasa kontensiyon pa.

Nakikipagbuno ang Lakers sa West finals, tinakbuhan ang Denver 126-114 sa Game 1 nitong Biyernes.

Nakadalawang sunod na season din si Antetokounmpo na nagtaas ng MVP trophy, pero sa parehong taon ay hindi nakarating ang Bucks sa NBA Finals.

Sa edad 25, inihanay ni Antetokounmpo ang pangalan sa mga astig ng liga na kumubra ng back-to-back MVPs:

Stephen Curry, LeBron James, Steve Nash, Tim Duncan, Michael Jordan, Magic Johnson, Larry Bird, Moses Malone, Kareem Abdul-Jabbar, Wilt Chamberlain, Bill Russell.

Sinamahan din ng Greek Freak sina Jordan (1988) at Hakeem Olajuwon (1994) bilang tanging players na naging MVP at Defensive Player of the Year sa iisang season.

The post Giannis malayo agwat kay LeBron sa MVP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-malayo-agwat-kay-lebron-sa-mvp/)

Walang komento