Recent Posts

Breaking News

Giannis kukunin ng Heat

Tapos na ang season ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks, sinipa ng Miami Heat 4-1 sa East semis.

Wala ang reigning MVP sa Game 5 dahil sa injured ankle, pero buong series na hindi nakaporma ang NBA-best team sa Heat.

Bago natapos ang kampanya, inihayag ng NBA nitong Martes na pinangunahan ni Antetokounmpo ang 2019-20 All-Defensive Team kasama sina Anthony Davis ng Lakers, Ben Simmons ng 76ers, Rudy Gobert ng Jazz at Marcus Smart ng Celtics.

Nasa Second Team sina Kawhi Leonard ng Clippers, Brook Lopez ng Bucks, Bam Adebayo ng Heat, Patrick Beverley ng Clippers, at Eric Bledsoe ng Bucks.

Nag-impake na mula sa Orlando bubble ang Bucks, tanong ng mga miron kung pipirma pa ang Greek Freak ng super-max extension sa Milwaukee. Sa offseason ay puwede siyang makipag-transaksiyon sa team at maseselyuhan ang extension sa 2021.

Pero ssa sa sinasabing pinakamalapit na destinasyon ni Antetokounmpo ang Miami na isang bukas na aklat na sa bubble. Interesado via sweepstakes din ang Toronto Raptors.

Malayo pa ang mararating ni Antetokounmpo na edad 25 lang. Siya ang tinanghal na 2019-20 Defensive Player of the Year, liyamado ring itaas ang pangalawang sunod niyang MVP trophy. (Vladi Eduarte)

The post Giannis kukunin ng Heat first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-kukunin-ng-heat/)

Walang komento