Recent Posts

Breaking News

Giannis: Huwag niyo ako tawaging MVP!

Halos lahat ng mga manlalaro ay magbubunyi kapag nasungkit ang MVP award sa kahit saang liga, ngunit hindi ito ang kaso kay Giannis Antetokounmpo.

Gumawa ng kasaysayan si ‘Greek Freak’ bilang ika-13 na manlalaro na nanalo ng consecutive MVP awards, sumama sa elite list nina Bill Russell, Wilt Chamberlain, Kareem Abdul-Jabbar, Moses Malone, Larry Bird, Magic Johnson, Michael Jordan, Tim Duncan, Steve Nash, Tim Duncan, LeBron James, at Stephen Curry.

Ngunit para sa kanya, hindi sapat ang highest individual award sa NBA dahil isa lang ang kanyang target—ito ay ang makakopo ng kampeonato sa liga.

“Don’t call me MVP until I’m a champion”, ayon kay Giannis sa kanyang acceptance speech. “I’m happy for this award but I want more. You can never take these moments for granted. Obviously I’m disappointed in not being able to help my team get to the third round, but at the end of the day I know I have to get better, get my team to improve”.

“When I’m done with the game I want to be a champion, I want to be proud of what I have accomplished”.

Iniinda pa rin ni Giannis ang second round exit ng Milwaukee Bucks matapos silang patalsikin ng Miami Heat sa kabila ng pagsungkit ng best record sa regular season.

Samantala, nag-average ang 25-year old superstar ng 29.5 points, 13.6 rebounds at 5.6 assists para masungkit ang back-to-back MVP award.

The post Giannis: Huwag niyo ako tawaging MVP! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-huwag-niyo-ako-tawaging-mvp/)

Walang komento