Recent Posts

Breaking News

Gatchalian: Magna Carta for Public School Teachers repasuhin

Para mapangalagaan ang kapakanan ng mga guro sa pampublikong mga paaraIan, sinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagrepaso sa pagpapatupad ng Republic Act No. 4670 o Magna Carta for Public School Teachers.

Sa Senate Resolution No. 522, nais ng senador na matukoy ang mga pagkukulang, mga hamon, at iba pang mga isyu sa pagpapatupad ng naturang batas na layong itaguyod ang kapakanan ng mga guro.

Ayon kay Gatchalian, bagama’t 50 taon na ang nakaraan simula nang ipatupad ang batas, pinuna ni Gatchalian na hindi lahat ng probisyon nito ay naipatutupad.

Kabilang dito ang libre at taunang medical examination bago sumabak ang mga guro sa pagtuturo. Bagama’t may ganitong probisyon ang Magna Carta, hindi nakapaglalaan ng halaga sa taunang budget para sa check-up at pagpapagamot ng mga guro.

Sabi pa ng senador, mas nabigyang-diin ang kakulangang ito sa gitna ng COVID-19 pandemic na ngayo’y nagbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng mga guro sa pagpapatupad ng distance learning.

Mandato rin aniya n g Magna Carta na hindi dapat lalagpas sa anim (6) na oras ang pagtuturo at pagtatrabaho ng mga guro.

Isinusulong din ng Magna Carta na siguruhing tumataas ang sahod ng mga guro. Sa kabila nito, pinuna ni Gatchalian na napag-iwanan na ang mga guro ng ibang mga propesyonal sa pamahalaan, kabilang ang mga sundalo at mga pulis.

“Napapanahong masuri natin kung paano ba pinapangalagaan ng ating gobyerno ang ating mga guro, lalo na’t mahalaga ang papel nila sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya, ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

The post Gatchalian: Magna Carta for Public School Teachers repasuhin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gatchalian-magna-carta-for-public-school-teachers-repasuhin/)

Walang komento