Recent Posts

Breaking News

Fonacier wala sa PBA bubble

Hindi sasama PBA bubble sa Clark City sa Pampanga si NLEX Road Warriors swingman Larry Fonacier sa oras na matuloy ang 45th season ng liga.

Personal ang naging dahilan ni Fonacier upang lumiban sa restart ng pro league na magkakaroon ng NBA-style bubble.

Naka-schedule ang pagbabalik aksyon sa Oktubre 9. Hinihintay pa ang go-signal mula sa gobyerno. Gaganapin ang mga laro sa Angeles University Foundation Gym.

The post Fonacier wala sa PBA bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fonacier-wala-sa-pba-bubble/)

Walang komento