Recent Posts

Breaking News

Face mask posibleng nagpapa-immune sa COVID – teorya

Posibleng nagbibigay ng COVID-19 immunity ang mga face mask, ayon sa komentaryo ng mga akademiko sa isa sa mga top medical journal sa daigdig.

Nilabas ang hindi pa napatutunayang teorya sa New England Journal of Medicine kung saan sinasabi na ang universal na pagsusuot ng face mask ay posibleng nakatutulong na mabawasan ang kalubhaan ng virus.

Posible rin umanong ang population-wide mask-wearing ay nakapagtitiyak na mas marami sa mga bagong kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng sakit.

Kung mapatunayan anila itong hypothesis, posibleng maging tipo ng variolation (inoculation) ang “universal facial masking” na makalilikha ng immunity at makapagpapabagal ng pagkalat ng virus sa United States at iba pang lugar, habang hinihintay pang madebelop ang bakuna kontra coronavirus.

Lumabas itong teorya habang paparami ang patunay na ang dami ng virus na na-expose ang isang tao sa simula ng impeksiyon ang posibleng nagtutukoy ng kalubhaan ng kanilang sakit.

Gayunman, sinabi sa opinion piece na kailangan pa ng maraming pormal na pag-aaral para makumpirma ang nasabing teorya.

The post Face mask posibleng nagpapa-immune sa COVID - teorya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/face-mask-posibleng-nagpapa-immune-sa-covid-teorya/)

Walang komento