Recent Posts

Breaking News

Experiment uli? Epekto ng bawas-distansya sa mga pasahero babantayan ng gobyerno

Oobserbahan umano ng pambansang gobyerno ang pagpapaikli ng distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga public utility vehicle (PUV), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Wika ng kalihim ngayong Lunes, gusto man niya na panatilihin ang 1-metrong pagitan sa physical distancing ay “kolektibong desisyon” umano ang pagbabawas ng distansya sa mga commuter.

“Personally, I would like to abide by the one-meter standard of physical distancing. If we can actually provide more transport to our people rather than reducing the distance,” ani Año sa ANC, Setyembre 14.

“There will be marshals in the public transportation and then we will review and of course monitor, we will check what is really the effect of this deduction of the distance and this sort of you know, still subject for changes if there are adverse effects on this deduction of distance,” dagdag niya.

Simula ngayong araw ay magiging 0.75 meter na lang ang pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan tulad ng tren, jeep at iba pa, sa mga susunod na linggo ay bababa pa ito sa 0.5 at 0.3 meters.

Duda naman ang mga netizen sa bagong polisiya.

Samantala, pinunto na rin ni Vice President Leni Robredo ang 1-metrong standard na nirekomenda ng World Health Organization para makaiwas sa COVID-19.

The post Experiment uli? Epekto ng bawas-distansya sa mga pasahero babantayan ng gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/experiment-uli-epekto-ng-bawas-distansya-sa-mga-pasahero-babantayan-ng-gobyerno/)

Walang komento