Recent Posts

Breaking News

Ex-UST player Bismarck Lina sinungkit ng UP

Hindi pa natatapos ang ‘shopping’ ng ibang koponan kasunod ng naging kontrobersya na kinasangkutan ng UST dahil sa ‘Sorsogon bubble’.

Ito’y matapos kumpirmahin ng University of the Philippines na nakuha nila ang serbisyo ng high school prospect na si Bismarck Lina.

Dati nang umoo si Lina para tumungtong sa senior’s team ng UST, ngunit hindi na ito matutuloy.

Sinundan ng ex-Tiger Cubs player si CJ Cansino, na lumipat din sa UP matapos siyang tanggalin sa Growling Tigers.

Bukod sa dalawa, nag-alsabalutan din sa España-based squad sina Rhenz Abando, Mark Nonoy, Brent Paraiso, Ira Bataller, Deo Cuajao at Jun Asuncion.

The post Ex-UST player Bismarck Lina sinungkit ng UP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-ust-player-bismarck-lina-sinungkit-ng-up/)

Walang komento