Recent Posts

Breaking News

Esperon sinupalpal Makabayan Bloc sa NTF-ELCAC

Sinumbatan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang mga makakaliwang mambabatas mula sa Makabayan Bloc matapos nitong akusahan na bahagi ng hidden pork barrel funds ang P16.1 bilyong pondong hinihingi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng panukalang 2021 national budget.

Sa isang payahag, dismayado si Esperon sa hirit ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, at lumalabas pa na tila takot ang kanyang grupo at ang iba pang makakaliwang organisasyon na magkaroon ng sapat na pondo ang NTF-ELCAC para sa mga lugar na kanayunan na pinamumugaran ng armadong mga komunista mula sa CPP-NPA, na isang teroristang grupo.

“What Rep. Gaite has failed to note is that the funds for these will be sourced from the budget of the agencies spearheading these projects, while the coordinated implementation will be by local chief executives,” wika ni Esperon.

“Why are you against community development and empowerment, which is exactly the mandate of the mandate created by this administration? Who stands to benefit from the continued stunting and underdevelopment of our communities but those who feed on strife, wand, despair?” tanong ni Esperon kay Gaite.

Paliwanang ni Esperon, hindi kontrolado ng NTF-ELCAC ang pondo na iminungkahi nito sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program (NEP) na dinidinig ngayon sa Kamara, at kanyang ipinagtataka ang mga walang basehan na pahayag ni Gaite at ng iba pang kasapi ng leftist front organizations ng Communist Party of the Philippines.

Ipinagtataka pa ni Esperon na dating chief-of-staff ng Sandatahang Lakas at kasalukuyang vice-chair ng NTF-ELCAC na tila ba natatakot ang grupo ni Gaite sa magandang plano ng task force dahil nakabase din ang kanilang ideyolohiya sa ipinaglalaban ng makakaliwang grupo upang magpatuloy ang gulo at para manatili ang kanilang samahan.

“It is the height of hypocrisy and duplicity for the communist-terrorist group to claim that they are fighting for the oppressed, when they themselves are the instigators and primary beneficiaries of continued chaos and discord,” ani Esperon.

The post Esperon sinupalpal Makabayan Bloc sa NTF-ELCAC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/esperon-sinupalpal-makabayan-bloc-sa-ntf-elcac/)

Walang komento