Recent Posts

Breaking News

Emirates, Qatar Airways balik-biyahe na sa Clark

Ipagpapatuloy na ng mga international air carrier na Emirates at Qatar Airways ang kanilang mga flight sa Clark, Pampanga.

Kinumpirma ito ng Clark International Airport (CRK) noong Miyerkoles, Setyembre 16.

Sinimulan na ng Emirates ang kanilang Dubai-Clark-Dubai flights via EK 324/325 at EK 336/337.

Samantala, dadagdagan naman ng Qatar Airways ang Doha-Clark-Doha flights nito patungong 9 beses kada linggo. Magdadagdag sila ng Sunday schedule, bukod sa mga biyahe kada Lunes at Biyernes.

Mula nang magbalik ang commercial operations noong Hunyo, unti-unting tinataasan ng CRK ang mga domestic at international operation nito.

As of September 14, meron na itong higit 30,000 na international passenger.

The post Emirates, Qatar Airways balik-biyahe na sa Clark first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/emirates-qatar-airways-balik-biyahe-na-sa-clark/)

Walang komento