Recent Posts

Breaking News

Electric scooter user dapat may LTO permit – solon

Tinutulak ni Iligan City Rep. Frederick Siao na i-require ang mga gumagamit ng electric scooter na magkaroon ng permit mula sa Land Transportation Office (LTO) na nagpapatunay na may alam sila sa road safety.

Sinabi ng mambabatas na siyang awtor ng House Bill 1987 o Philippine Responsible Driving and Accountability Act na posibleng nakamamatay ang mga e-scooter kung iresponsable o incompetent ang drayber nito.

“Electric scooters are motorized and can speed up faster than bicycles. Permits should be a requirement prior to purchase of electric scooters,” aniya sa isang pahayag.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nasa huling yugto na ang LTO ng paglikha ng memorandum circular draft na ire-regulate ang lahat ng mga electric vehicle sa Pilipinas, kabilang ang mga e-bike.

Inaatas pa sa panukalang batas na magkaroon ng incident-related monitoring system sa parehong barangay at national level.

Sinumang awtoridad na hindi magtatala ng alinmang insidente, ayon kay Siao, na nangyari dahil sa paggamit ng electric scooter ay papatawan ng administrative, civil, at criminal action sanctions.

The post Electric scooter user dapat may LTO permit - solon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/electric-scooter-user-dapat-may-lto-permit-solon/)

Walang komento