Recent Posts

Breaking News

Electric bus isusulong sa ‘Pinas

Dalawang kompanya ang nagsama para sa komportableng biyahe ng mga Pinoy gamit ang state of the art na electric bus sa mga key city ng Pilipinas.

Lumagda na sa memorandum of agreement ang C-SO Funding at Global Electric Transport (GET), kung saan pipindohan ng una ang mga gagamiting electric bus sa unang dalawang siyudad sa bansa.

Ang C-SO ay isang movable assets lending company sa Korea na may abot sa $290M loan transaction nang naitulong. Ang Pilipinas ang napili ng C-SO para itayo ang kanilang kauna-unahang foreign branch para sa kanilang global expansion dahil aniya sa magandang economic performance ng bansa sa nakalipas na limang taon.

Inaasahan na magiging malaking tulong ang C-SO para muling makabangon ang Pilipinas sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.

Samantala, ang GET naman ay nanguna pagdating sa mga electric transport nang ilunsad ang Comet electric bus noong 2014.

Sa ngayon ay ka-partner ng GET ang QEV mula Spain para makapaglabas ng mga air-conditioned electric buses na pinapatakbo ng rapid charging system na may driving range na umaabot sa 100 km.

“We are looking forward to introducing the future of public transport in the Philippines. It will have no harmful emissions, our buses will be comfortable, payments would be contact less and our drivers will be well trained” ayon kay Freddie Tinga, chairman ng GET.

“We consider mobility and public transport as key to jump starting the Philippine economy. Through our partnership with GET, we will provide efficient and environment friendly electric buses in the Philippines. This is our modest contribution like to a citizenry that’s raring to go back to work. Our investment in the public sector is our way of showing support to bringing the economy back on track,” saad naman ni Diana Kwon, Country Head ng C-SO finance.

Attachments area

The post Electric bus isusulong sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/electric-bus-isusulong-sa-pinas/)

Walang komento