Recent Posts

Breaking News

E-bike user dapat may permit? Mga netizen nanggigil

Binatikos ng mga netizen ang panukalang batas na kakailanganing magkaroon ng LTO permit ang mga rider ng electric scooter sa bansa.

Ito, ayon sa awtor na si Iligan City Rep. Frederick Siao, ay para mapatunayang may alam sa road safety ang mga e-bike user.

Pero hindi natuwa ang ilang netizen, at sinabi na pati e-scooter ay “balak pagkaperahan” ng gobyerno.

“walang utak gumawa ng batas na to. pera pera nlng talaga……imbis makatulong sa tao dagdag pahirap ung mga walang kwenta batas naiisip nila”

“BOBO, WAG MO PAKEALAMAN ANG EBIKE, MARAMING PROBLEMA ANG BANSANG PILIPINAS, UNAHIN NYO ASIKASUHIN, PATI EBIKE PAGKAKAPERAHAN NYO, MGA GUNGGONG”

“Sa ginagawa nio dinidiscouraged niyo wag gumamit na alternative means of transportation ang mga tao na mas maganda sa environment.”

Maging si dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, hindi aprub sa panukala.

The post E-bike user dapat may permit? Mga netizen nanggigil first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/e-bike-user-dapat-may-permit-mga-netizen-nanggigil/)

Walang komento