Recent Posts

Breaking News

Duterte sa bagong PhilHealth head: Balasahin mga opisyal sa 3 araw!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad balasahin ang lahat ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa loob ng tatlong araw.

Ito ang marching order ng Pangulo matapos ipakilala sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi ang bagong PhilHealth head na si dating National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran.

Sinabi ng Pangulo na gaya ng naging utos nito noon sa mga pinuno ng NBI at Bureau of Customs, nais nitong magpatupad si Gierran ng reshuffle sa lahat ng regional offices ng PhilHealth sa loob ng tatlong araw.

Kapag aniya ayaw magpa-reshuffle ng PhilHealth officials, agad isumite sa kanya ang pangalan ng mga ito para mapadalhan ng memorandum at magreport sa MalacaƱang.

“Sabi ko sa kanya, I want to see a reshuffle of the different regional offices within the next two or three days,” anang Pangulo.

Nais ni Duterte na gugulin ni Gierran ang susunod na dalawang taon para labanan ang korapsiyon sa PhilHealth at hanapin at ipakulong ang mga mapapatunayang nangurakot sa pera ng ahensiya.

Kailangan aniyang may makitang makulong para hindi pamarisan ng ibang mga opisyal sa gobyerno.

“Si Gierran is a lawyer and accountant. Somthe next two years will be devoted to fight against corruption. Maghanap kayo ng mapakulong natin,” dagdag ng Pangulo.

Lahat aniya ng regional vice president ng PhilHealth ay balasahin kahit pa nagtatrabaho o nakakapantay ng mga ilang matitinong opisyal.

Naniniwala si Duterte na kapag matagal na ang isang opisyal sa kanyang puwesto ay tiyak na kabisado na ang pasikot-sikot sa sistema na susi ng tukso para gumawa ng hindi tama.

“If they are there for so long a time, the element of familiarity always enters the picture. Iyan ang mahirap diyan. Kung matagal na, tanggalin na. Iyong ayaw magpatanggal, magreport kayo dito sa opisina,” wika niya pa.

The post Duterte sa bagong PhilHealth head: Balasahin mga opisyal sa 3 araw! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-bagong-philhealth-head-balasahin-mga-opisyal-sa-3-araw/)

Walang komento