Recent Posts

Breaking News

Duterte muling haharap sa bayan

Inaasahang muling haharap sa bayan ngayong Lunes ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang regular na mensahe sa bayan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pupulungin muna ng Presidente ang kanyang gabinete partikular ang mga kalihim na may kinalaman sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Nasa Manila aniya si Duterte at nanatili sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago.

“He is here. He will address the nation again tonight,” ani Roque.

Matatandaang simula nang pumutok ang COVID pandemic ay naging regular na ang pagsasalita ng Pangulo sa bayan tuwing Lunes para ihayag ang mga ginagawa at pagtugon ng gobyerno sa COVID crisis.

Kalimitan ay nagbibigay si Duterte ng mga direktiba at update patungkol sa COVID-19 response.

The post Duterte muling haharap sa bayan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-muling-haharap-sa-bayan/)

Walang komento