Recent Posts

Breaking News

Duterte ‘most powerful’ president – Sotto

Hindi pabor si Senate President Vicente Sotto III sa panukala ng Kamara na bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para ireporma ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Sotto, kung tutuusin aniya’y maituturing na pinakamakapangyarihang pangulo na umano si Duterte kaya hindi na nito kailangan pang magkaroon ng dagdag na kapangyarihan.

“Because as far as we are concerned, most of us in the Senate are concerned, we know that in this part of the globe, the President of the Philippines is the most powerful president,” pahayag ni Sotto sa panayam sa CNN.

“Mas powerful tayo kay Widodo at kung anu-ano ‘yung powers ng Presidente sa Pilipinas,” dagdag pa nito patungkol kay Indonesian President Joko Widodo.

Ginawa ni Sotto ang reaksyon kasunod na pahayag ni House Public Accounts Committee chairman at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na balak nilang bigyan ng emergency powers si Duterte para resolbahin ang isyu ng korapsiyon sa PhilHealth.

Sabi ni Defensor pinag-uusapan na ng komite ang naturang ideya.

Subalit giit ni Sotto, kailangang tingnang mabuti ang panukala ng House panel tungkol sa kung anong uri ng kapangyarihan ang gustong nilang ibigay sa Chief Executive.

“Anything that they would want the President to do, he can do now, even without the emergency powers, that is what we believe. So we would rather look at what their proposal is, anong klaseng emergency powers ang ibibigay pa, idadagdag mo, na hindi niya kayang gawin ngayon,” sabi ni Sotto.

Sabi pa ng Senate President, binibigay lang sa Pangulo ang emergency powers kung hindisapat ang kapangyarihan nito para ireporma ang isang ahensiya tulad ng PhilHealth.

“Kung meron tayong makikita na hindi niya kayang gawin ngayon in order to let’s say revamp, reorganize or whatever he can do sa PhilHealth, then yes, by all means, let’s give it to him pero kung nandoon naman sa mga powers niya, bakit pa?” sambit pa ni Sotto.

The post Duterte 'most powerful' president - Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-most-powerful-president-sotto/)

Walang komento