Recent Posts

Breaking News

Duterte kay Cascolan: Linisin ang PNP, ituloy ang drug war

Tatlong mahahalagang bagay ang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Philippine National Police Chief Lieutenant General Camilo Cascolan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang dito ang pagtataguyod sa integridad ng rule of law, paglilinis sa hanay ng PNP mula sa katiwalian, at pagpapatuloy ng laban sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ni Roque na kaya dinoble ng Pangulo ang sahod ng pulis at militar ay upang hindi na maisip ng mga ito na gumawa ng katiwalian.

“Well to the PNP Chief of course, number one is to maintain…to uphold integrity of the rule of law as far as the PNP is concerned, number two, rid its rank of corruption and number three, sustain the gains of the drug war,” ani Roque.

Malayo na aniya ang narating ng kampanya laban sa iligal na droga kaya nais ng Pangulo na magtuloy-tuloy ang tagumpay laban sa mga sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

The post Duterte kay Cascolan: Linisin ang PNP, ituloy ang drug war first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kay-cascolan-linisin-ang-pnp-ituloy-ang-drug-war/)

Walang komento