Recent Posts

Breaking News

Duque: Walang problema sa kulay ni Duterte

Hinayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos umugong ang mga balita na nangibang bansa umano ang Pangulo para magpagamot, na pinasinungalingan naman matapos na maglabas ng larawan kung saan kasama ni Duterte ang kanyang pamilya habang naghahapunan sa Davao.

“Maayos naman siya. ‘Yung kulay niya wala naman akong nakikitang problema so he is in a good state of health,” lahad ni Duque.

Aniya pa, maayos naman ang pagbibigay ng utos ng Pangulo kapag sila’y nagpupulong ng gabinete.0

“Ok naman siya. Pag nag memeeting kami, malinaw naman ang kaniyang direktiba, malinaw naman ang kaniyang sinasabi at ang kanyang frame of mind ay very clear,” saad pa ng opisyal.

Muling piang-usapan ang kalusugan ni Duterte matapos nitong ilahad sa kanyang mensahe sa bayan na sinabi umano sa kanya ng kanyang doktor na malapit na sa Stage 1 cancer ang kanyang Barrett’s Esophagus, na kinontra naman ng Palasyo at giniit na matagal na umano itong sinabi ng doktor at naagapan ng Pangulo.

The post Duque: Walang problema sa kulay ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-walang-problema-sa-kulay-ni-duterte/)

Walang komento