Recent Posts

Breaking News

Duque, PhilHealth execs madidikdik sa kaso – Sotto

Kumpiyansa si Senate President Vicente Sotto III na masasampahan ng mga kaso ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) batay sa rekomendasyon ng Senado na nag-imbestiga sa alegasyon ng korapsyon sa ahensiya.

“Masyadong obvious ‘yung findings namin. Tingin ko talagang lahat ng rekomendasyon namin na kasuhan nila ay mafa-file-an nila talaga, both criminal charges at administrative charges,” pahayag ni Sotto sa panayam sa DZBB.

Sa nilabas ng report ng Senate Committee of the Whole, inirekoemnda nitong kauhan sina against Health Secretary Francisco Duque III, ex-officio chairman ng PhilHealth board, nagbitiw na si Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal ng state health insurer.

Ito’y may kaugnayan sa iligal na pagpapatupad ng interim reimbursement mechanism o cash advances sa mga health care institution.

Sabi ni Sotto, walang anumang legal justification ang implementasyon ng IRM dahil na-adopt ang Board Resolution noong Marso 31, 2020 habang ang Cirucular 2020-0007 ay pinatupad noong Marso 20.

Ilang beses na giniit ni Duque na walang siyang papel sa kontrobersya ng IRM at wala aniyang basehan ang findings ng Senate Committee of the Whole.

Subalit sa paggiit umano ni Duque na wala siyang kinalaman sa implementasyon ng IRM, sinabi ni Sotto na ‘pleading guilty’ na umano ang kalijhim sa malversation provision sa ilalim ng Revised Penal Code.

Wala sa usapan yung pinagtitiwalaan o hindi. Kahit naman pinagtitiwalaan ka ng isang tao, kung ang mga ebidensiya o findings ng isang committee ay nakikita ganito-ganito ang ginawa mo or ganito-ganito ang hindi mo ginawa, na pinipilit ni Sec. Duque na wala siyang kinalaman, hindi siya nakapirma,” ani Sotto.

“Sabi ko nga, bilang isang kaibigan, sabi ko makipag-usap siya sa isang abogado, magaling na abogado para sabihin sa kanya [na] ‘wag niyang sasabihin ‘yun. Dahil sinasabi niya ‘yun, he is practically pleading guilty to Article 217 of the Revised Penal Code, which is pasok ang negligence doon sa 217, sa kabuuan. Pasok na pasok siya roon,” dagdag nito.

Umaasa din ang Senate President na magbabagaw ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na makita o mabasa nito ang kanilang report sa ginawala nilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.

“Ang ineexpect ko ay pag nakita ng Pangulo yung mga punto namin, magbabago ang pananaw ng Pangulo. Maaaring nagtitiwala pa rin siya pero merong mga bagay na dapat mong harapin na labag sa batas, ganoon yun,” sabi pa ni Sotto.

The post Duque, PhilHealth execs madidikdik sa kaso – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-philhealth-execs-madidikdik-sa-kaso-sotto/)

Walang komento