Recent Posts

Breaking News

Duque palitan ng palaban sa korapsyon – Senado

Walang sapat na ebidensya para irekomenda ng Senado ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Subalit nirekomenda aniya ng Senate Committee of the Whole kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Duque at magtalaga ng bagong kalihim ng DOH na palaban sa korapsyon.

“If I had my way, as I already said before, based on the three hearings of the Committee of the Whole, there may not be enough evidence to recommend criminal charges against Sec. Duque for the simple reason that like the other members of the PhilHealth Board, he had no hand in the illegal implementation of the IRM; nor was he involved in the procurement of overpriced IT equipment,” paliwanag ni Lacson.

Subalit iba aniya ang tingin ng kanyang mga kasamahan, partikular ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na siyang namuno sa mga pagdinig ng Committee of the Whole. Dahil isang collegial body ang Senado, susundin umano nila kung ano ang pasya ng mayorya.

Gayunman, nakapaloob din aniya sa rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole kay Pangulong Duterte ang pagsibak kay Duque.

“To appoint a new Secretary of the Department of Health who has a stronger will to fight corruption within his organization and the agencies under his/her watch,” ayon pa kay Lacson.

The post Duque palitan ng palaban sa korapsyon – Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-palitan-ng-palaban-sa-korapsyon-senado/)

Walang komento