Recent Posts

Breaking News

DOLE: Libreng online training sa mga MSME safety officer

Magbibigay ng libreng online Basic Occupational Safety and Health (BOSH) training ang Occupational Safety and Health Center (OSHC) para sa mga nais maging safety officer sa mga micro, small and medium enterprise (MSME) na nasa 50 katao ang empleyado, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, Setyembre 12.

Parte umano ito ng serbisyong ipinagkakaloob ng gobyerno sa publiko at pribadong sektor ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOLE, gumawa ang OSHC ng mga modle para sa mandatory training na gagawin online para na rin sa proteksyon ng mga training participant at mga resurce person.

Ang OSHC ay isang ahensya na nasa ilalim ng DOLE.

Ayon sa DOLE, lahat ng mandatory BOSH training ngayon ay mayroon nang module hinggil sa prevention and control ng COVID-19.

Bukas umano ang webinar sa mga Safety Officers LLevel 1 (SO1s) sa mga MSME na nasa low-risk category at mayroon pa itong 10-hour training para sa mga nais maging safety officer na siyang magpapatupad ng mga safety and health program sa kanilang mga kompanya.

The post DOLE: Libreng online training sa mga MSME safety officer first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dole-libreng-online-training-sa-mga-msme-safety-officer/)

Walang komento