Recent Posts

Breaking News

DLSU namumurong mapirata sina Nonoy, Cuajao

Hindi pa tapos ang pag-aalsabalutan ng mga manlalaro mula sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

Sa ngayon ay sina Deo Cuajao, at ang UAAP Season 82 Rookie of the Year Mark Nonoy naman ang napapabalitang iiwan ang EspaƱa at tatawid patungong Taft Avenue.

Ayon kay Jax Chua ng Phenom Sports Management, humahawak kay Nonoy at Cuajao, sinabi nito na nakipag-usap na sa kanila ang De La Salle University, pati na rin ang San Beda University, para masungkit ang serbisyo ng dalawang manlalaro.

Ngunit paglilinaw ni Chua, sa ngayon ay hindi pa nakakapagdesisyon ang dalawang manlalaro at posibleng sa Lunes ilahad ang kanilang susunod na plano sa kanilang collegiate career.

Ang dalawang manlalaro ay ang ika-anim at ika-pito na aalis sa poder ng UST kung sakali, matapos ang kontrobersyang kinasangkutan ng Growling Tigers dahil sa bubble training sa Sorsogon.

Unang lumipat ang dating kapitan ng UST na si CJ Cansino patungong UP Fighting Maroons, sumunod si Ferdinand Asuncion na biyahe pa-Mapua, habang tatlo naman ang nakuha ng Letran na sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando.

The post DLSU namumurong mapirata sina Nonoy, Cuajao first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dlsu-namumurong-mapirata-sina-nonoy-cuajao/)

Walang komento