Recent Posts

Breaking News

Djokovic alaskado kay Kyrgios

NAKAHANAP ng pagkakataon si Nick Kyrgios para i-troll sa Twitter si Novak Djokovic.

Na-disqualify sa third round ng US Open si Djokovic nang hambalusin ang bola at tumama sa leeg, bandang lalamunan, ng isang babaeng line judge.

Nangyari ‘yun sa opening set ng paluan nina Djoko at Pablo Carreno Busta nang mapakawalan ng world No. 1 ang isang puntos at maiwan 6-5.

Napaluhod ang babae, hawak agad ang leeg. Tarantang lumapit si Djokovic para mag-sorry pero pinag-impake rin siya.

Binawi ang prize money bilang multa, inaasahang bababaan din ng ban si Djokovic.

Nambaterya agad sa social media si Kyrgios.

Patanong sa kanyang followers ang pang-aalaska ng Australian, kung 5 o 10 years ang ibibigay sa kanyang ban kung siya ang pumalo ng bola at nakatama ng ibang tao sa court.

Dinelete ni Kyrgios ang post, pero ni-retweet at sinama na sa pagpipilian ang 20 years.

“Swap me for jokers incident. ‘Accidentally hitting the ball kid in the throat’ how many years would I be banned for? (5, 10, 20),” parang nagpapa-survey na tanong ni Kyrgios.

Umatras si Kyrgios, tulad nina Rafael Nadal at Roger Federer, sa US Open dahil sa coronavirus. (VE)

The post Djokovic alaskado kay Kyrgios first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/djokovic-alaskado-kay-kyrgios/)

Walang komento