Recent Posts

Breaking News

DILG nagsalita na, BFP iimbestigahan ‘despedida’ ng Batangas fire marshall

Binawi na ng BFP at DILG ang pagtatalaga kay outgoing Batangas City Fire Marshal Elaine Evangelista bilang hepe ng Biñan, Laguna fire station.

Kasunod ito ng nangyaring “despedida” para kay Chief Insp. Elaine Evangelista kung saan lumabag siya at ang ibang tauhan ng BFP sa quarantine protocol habang may pandemyang COVID-19.

“Upon the directive of Secretary Eduardo M. Año, BFP Chief Jose Embang Jr. has withdrawn the new assignment of F/CInsp Elaine Evangelista as chief, Biñan Fire Station,” ayon sa isang pahayag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, Setyembre 1.

Bukod dito, naglabas din aniya ang BFP ng show cause order laban sa lahat ng mga tauhan ng BFP na sangkot sa alleged mass gathering.

“The BFP IAS and RO4A has also been directed to conduct a thorough investigation and submit its findings immediately to the DILG,” saad pa ni Malaya.

Pinag-utos din umano ni Embang sa BFP Region 4-A na alisin muna sa puwesto ang lahat ng mga sangkot na opisyales upang hindi sila makagambala sa imbestigasyon sa insidente.

“The DILG will not tolerate any violation of IATF guidelines among its uniformed personnel and will impose the appropriate penalties on all erring individuals if warranted by the evidence gathered and presented,” sabi pa ng DILG spokesperson.

Matatandaang noon namang Mayo, kinundena ng mga netizen ang birthday celebration ni Metro Manila police chief Debold Sinas dahil din sa umano’y paglabag sa quarantine protocol habang may anti-coronavirus lockdown.

Giit ni Sinas, hindi party kundi “mañanita” ang naganap.

The post DILG nagsalita na, BFP iimbestigahan 'despedida' ng Batangas fire marshall first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-nagsalita-na-bfp-iimbestigahan-despedida-ng-batangas-fire-marshall/)

Walang komento