Recent Posts

Breaking News

DILG: Manila Bay ‘white sand’ ipapatigil ‘pag delikado

RP

Handang ipatigil ang paglalagay ng synthetic white sand sa baywalk ng Manila Bay kung mapatunayan na delikado sa kalusugan ng publiko ang dolomite rock na ginamit dito.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagkakaroon na ng pag-uusap ukol sa mga isyu sa paggamit ng naturang bato, na ayon sa Department of Health ay pwedeng magdulot ng respiratory illness.

“Based on the presentation of [Department of Environment and Natural Resources] Secretary [Roy] Cimatu and of course there will be more discussion on this. But based on what we have learned, talagang hindi na ‘to siya harmful ano, but I leave it to the experts,” saad ni Año sa CNN Philippines.

“We’ll have more discussion on this and we’d like also to get the side of the DOH kung ma-prove talaga nila na harmful and kung talagang maging harmful pa rin talaga ‘yan, then we can put a stop but for now I’m inclined to support really the DENR,” aniya pa.

Sinagot na ni Cimatu ang mga paratang at giniit na ginagamit din sa ibang establisimiyento ang dolomite rock at wala umanong nagiging reklamo ukol dito.

The post DILG: Manila Bay 'white sand' ipapatigil 'pag delikado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-manila-bay-white-sand-ipapatigil-pag-delikado/)

Walang komento