Recent Posts

Breaking News

DFA: Qatar Airways sasalain mga pasahero vs COVID-19

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na obligado ang mga pasahero ng Qatar Airways na magpakita muna ng COVID-19 RT-PRC negative test result bago payagang makasakay sa kanilang mga eroplano.

Sa public advisory ng DFA na inihayag sa kanilang website nitong Linggo, Agosto 6, sinabi ng kagawaran na inanunsyo ng naturang airline ang mandatory COVID-19 negative test result ng kanilang mga pasahero mula sa ilang bansa at kabilang dito ang Pilipinas.

Kailangan umanong magpakita ng negative COVID-19-RT-PCR ang isang pasahero sa pag-check in nito. Ang mga hindi susunod sa requirement ay hindi papayagang sumakay sa eroplano nila.

Kailangan din umanong sumailalim sa PRC test ang mga pasahero mula sa mga laboratoryo na otorisado lamang ng Qatar Airways.

Pinayuhan din ang mga pasahero na mag-check sa Qatar Airways website para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa mga testing facility na otorisado ng airline at sa iba pang mga katanungan.

The post DFA: Qatar Airways sasalain mga pasahero vs COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-qatar-airways-sasalain-mga-pasahero-vs-covid-19/)

Walang komento