Recent Posts

Breaking News

Deployment ban sa mga health worker tanggalin na – mga senador

Hinikayat ng dalawang senador ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na alisin na ang ban sa pagpapaalis ng mga medical at allied health worker dahil labis na anilang naapektuhan ang kanilang kabuhayan.

“I reiterate their request that the deployment ban be lifted. Hayaan nating makalipad ang health workers na ilang buwan nang hindi makapaghanapbuhay,” pahayag ni Senador Risa Hontiveros sa isang statement.

Bagama’t kailangang iprayoridad ang health care system ng bansa, sinabi ni Hontiveros na dapat tingnan ang kapakakan ng mga Pinoy health worker na matapos dumaan sa masusing pagsasanay at pagkumpleto ng mga documentary requirement at permits ay pipigilang makaaalis ng bansa.

“Hindi lang oras ang inilaan ng ating mga kababayan para lang makapag-abroad. Marami ang nangutang, nagbenta ng ari-arian para lang masuportahan ang pangarap. They must be allowed to leave,” sabi pa ni Hontiveros.

Sa halip na ipatupad ang deployment bad, sinabi ni Hontiveros na dapat taasan ang suweldo ng health care workers para magtrabaho na lang dito at hindi na magtrabaho sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Labor and Employment, ang sahod ng entry level nurse ay nasa P8,000 – P13,500 kada buwan.

“Paano ito makabubuhay ng isang pamilya? Tayo rin ang may pinakamababang pasahod sa healthcare workers sa Southeast Asia. Hindi pwedeng pipigilan natin silang umalis, pero hindi natin sila bibigyan ng dahilan para mag-stay,” ani Hontiveros.

Kamakailan lamang ay pinigil ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Filipino nurse na patungo sa United Kingdom dahil sa deployment ban sa mga healthcare worker.

Dahil dito, nanawagan naman si Senador Joel Villaneuva sa DOLE na ayusin na ang pinatutupad na polisiyang ito nang sa gayon ay hindi magdusa ang mga Pinoy medical frontliner na nais magtrabaho sa ibang bansa.

“Malinaw po sa kasalukuyang polisiya na maaaring umalis ang mga healthcare workers na may kontratang pinagtibay bago ang cut-off na March 8. Hindi na po kasama sa usapan kung kailan nabigyan ng visa ang ating manggagawa,” sabi ni Villanueva.

“Mali po ang interpretasyon ng BI sa umiiral na deployment ban, at patunay dito ang memo na kanilang pinalabas noon Aug. 20 na nagsasaad na bawal umalis ng bansa ang mga healthcare worker na binigyan ng visa matapos ang March 8,” dagdag pa niya.

The post Deployment ban sa mga health worker tanggalin na – mga senador first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deployment-ban-sa-mga-health-worker-tanggalin-na-mga-senador/)

Walang komento