Recent Posts

Breaking News

DENR tinusta ng board member: Cebu ninakawan sa Manila Bay white sand!

Sinisilip na ng mga public official ng Cebu province ang pagkuha ng mga dolomite rock sa kanilang lalawigan para ikalat sa baywalk ng Manila Bay, na proyekto ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Cebu Provincial Board Member Ismael Borgonia, wala silang muwang na kumuha pala ng bato sa kanilang lugar ang DENR para pulbusin at gawing puting buhangin sa kanilang P349-million na proyekto para malinis ang Manila Bay.

Giit ng board member, kahit pa proyekto ito ng national government ay dapat naabisuhan sila tungkol sa paghakot ng mga bato sa kanilang lalawigan.

“It’s like Cebu was robbed,’’ ngitngit ni Borgonia. “We didn’t even have an idea about it.”

“This is a classic example of getting something from our resources but the province did not have anything in return,” aniya pa.

Sa ngayon ay pinapaimbestigahan na sa Provincial Environment and Natural Resources Office kung saan eksakto kinuha ng DENR ang mga bato na ilalagay sa Manila Bay.

The post DENR tinusta ng board member: Cebu ninakawan sa Manila Bay white sand! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/denr-tinusta-ng-board-member-cebu-ninakawan-sa-manila-bay-white-sand/)

Walang komento