Recent Posts

Breaking News

DENR sa Manila Bay fish kill: Sabotahe

Hindi inaalis ni Environment Undersecretary Benny Antiporda ang posibilidad na isang pananabotahe ang nangyaring fish kill sa Manila Bay sa bahagi ng Baseco, Tondo sa gitna ng ginagawang rehabilitasyon doon.

Ani Antiporda sa panayam sa radyo, malayo ang Baseco Compound sa Manila Bay area kung saan nakalagay ang kontrobersiyal na dolomite o “white sand”.

Maliban sa pananabotahe ng mga grupong galit sa gobyerno, tinitingnan din nila ang posibleng iligal na pangingisda sa lugar.

“Hindi po bago ang ganung pangyayari (fish kill) but still we are not discounting the possiblity na maaaring meron na namang nag-illegal fishing, gumamit ng cyanide or meron pong sumasabotahe sa atin just to discredit the government,” wika ni Antiporda.

Kahapon, Sept. 18, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sanhi ng fish kill ay mababang oxygen level sa lugar.

The post DENR sa Manila Bay fish kill: Sabotahe first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/denr-sa-manila-bay-fish-kill-sabotahe/)

Walang komento