Recent Posts

Breaking News

De Lima tamang duda sa pagkamatay ni Ardot Parojinog

Dapat isailalim sa autopsy ang bangkay ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo `Ardot’ Parojinog para malaman kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay nito habang nasa loob ng kanyang selda.

Iginiit ito ni Senador Leila de Lima na nagdududa sa pagkamatay ni Parojinog habang nasa kustodiya umano ng Philippine National Police (PNP).

“Mr. Parojinog’s suddent death while momentarily there at the Ozamis City Police jail to await a hearing last Friday, Sept. 4, is highly suspicious,” sabi ni De Lima sa inilabas nitong pahayag mula sa kanyang detention cell sa PNP Custodial Center.

Agaran umanong inanunsyo na namatay si Parojinog dahil sa “cardiopulmonary arrest secondary to cardiovascular disease and probably COVID-19” kahit walang isinagawang autopsy at isinantabi rin ang foul play sa pagkamatay nito.

Si Ardot Parojinog ay kapatid ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay naman matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanilang lugar noong 2017.

Kinuwestyon pa ni De Lima kung bakit umano kailangang sa Ozamiz City pa gawin ang paglilitis sa kaso ni Parojinog samantalang may sapat namang dahilan para isagawa ito sa ibang lugar.

Ayon kay De Lima, nalaman niya mula sa pamangkin ni Parojinog, si dating Vice Mayor Nova Parojinog na nakakulong din, na delikado ang buhay nito kapag tumuntong sa Ozamiz City dahil mainit pa rin ang sitwasyon doon bunga ng naganap na raid sa kanilang lugar noong 2017.

“I have been wondering why the trial of Parojinog’s case had to be held in Ozamis City when there’s sufficient basis for a change of venue. I’m also wondering why Mr. Parojinog had to be brought there personally for the hearing when there’s the available option for a virtual hearing via video-conferencing which is now the norm during this pandemic, as authorized by the SC itself,” sabi pa ni De Lima.

The post De Lima tamang duda sa pagkamatay ni Ardot Parojinog first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-tamang-duda-sa-pagkamatay-ni-ardot-parojinog/)

Walang komento