Recent Posts

Breaking News

Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Binulabog ang Don Marcelino, Davao Occidental ng magnitude 6.4 na lindol nitong Linggo ng gabi, Setyembre 6.

Ayon sa updated earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito nang alas-11:23 ng gabi at may lalim na 143 kilometro.

Unang sinabi ng Phivolcs na may lalim ang lindol na 149 km, pero binaba ito patungong 143 km.

Naramdaman ang Intensity V sa General Santos City, at Mati City; Intensity IV sa Magsaysay sa Davao del Sur, at Koronadal City; at Intensity III sa Kidapawan City.

Walang inaasahang pinsala mula sa pagyanig, pero inaasahan ang mga aftershock o kasunod na lindol.

Pinabatid din ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa nasabing lindol.

The post Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.4 na lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-occidental-niyanig-ng-magnitude-6-4-na-lindol-3/)

Walang komento