Recent Posts

Breaking News

Davao Occidental niyanig ng 2 lindol

Dalawang malalakas na lindol ang yumanig sa Sarangani, Davao Occidental kaninang madaling-araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang parehong magnitude 4.5 na lindol noong alas-12:50 at alas-4:41 ng umaga, parehong ngayong Setyembre 14.

Ang lalim ng pagyanig, ayon sa pagkakabanggit, ay umabot sa 30 kilometro, at 33 kilometro.

Ang naturang mga lindol, sabi ng Phivolcs, ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala o kasunod na lindol.

Noon namang Setyembre 9, tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa parehong bayan.

The post Davao Occidental niyanig ng 2 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-occidental-niyanig-ng-2-lindol/)

Walang komento