Recent Posts

Breaking News

Dasal bumuhos para kay Cardinal Tagle

Si Cardinal Luis Antonio Tagle ang kauna-unahang lider ng Roman Curia na tinamaan ng COVID-19.

Kinumpirma ito sa report na lumabas sa Vatican News nitong Biyernes, kung saan sinabing nagpositibo sa virus si Tagle matapos itong dumating sa Maynila.

Sa ngayon ay naka-quarantine na si Tagle, at walang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Bago magtungo sa ‘Pinas, nanatili si Tagle sa Roma, matapos nito ay dumalo sa ordination ni Fr. Giorgio Marengo sa Turin, Italy.

Huling nakadaupang palad ng Vatican Congregation for the Evangelizaton of Peoples prefect si Pope Francis ay noong Agosto 29.

Dahil sa sakit ay bumuhos sa social media ang humihingi ng dasal para sa Kardinal.

The post Dasal bumuhos para kay Cardinal Tagle first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dasal-bumuhos-para-kay-cardinal-tagle/)

Walang komento