Recent Posts

Breaking News

Danuel House tinapon sa NBA bubble

Hindi na maglalaro si Danuel House hanggang sa matapos ang season sa NBA bubble.

Ito ang nagsilbing parusa para sa Houston Rockets shooter matapos na magpapasok ng bebot sa kanyang kwarto na mahigpit na pinagbabawal bilang parte ng health protocol.

“Mr. House is leaving the NBA campus and will not participate with the Rockets team in additional games this season,” ayon sa pahayag ng liga.

Batay sa imbestigasyon ng NBA, nakita na totoong pinapasok ni House ang isang unauthorized guest sa kanyang hotel room at nagtagal doon ng ilang oras.

Base sa mga kumalat na rumor, isang COVID-19 testing official na babae ang umano’y tinakas ni House sa kanyang kwarto.

The post Danuel House tinapon sa NBA bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/danuel-house-tinapon-sa-nba-bubble/)

Walang komento