Recent Posts

Breaking News

Dahil puro basketball, dyowa ‘binenta’ sa Shopee

May mga nauubusan na ng gagawin habang may anti-coronavirus quarantine.

Katulad nitong Reddit user na dahil bored ay nag-search sa Google ng random na bagay: “jowa for sale”.

May lumabas na dalawang Shopee results, ang isa’y binebenta sa presyong isang milyong piso at nilakipan pa ng side view picture.

“Jowa for sale puro basketball nalang,” ayon sa caption.

May isa naman na nakasaad pang free shipping.

“Jowa for sale: mabait, sobrang bait, napakabait. Issue: mabaho, maitim,” ang parte ng caption.

May lumabas ding Facebook page na “Jowa for Sale” na may 31 likes.

Samantala, nagkomento ang isang Reddit user: “Mahal naman! 9999999% discount please.”

“Mine 1 sure buyer. Hahahaha,” sey ng isa pa.

The post Dahil puro basketball, dyowa 'binenta' sa Shopee first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-puro-basketball-dyowa-binenta-sa-shopee/)

Walang komento