Recent Posts

Breaking News

Cybersecurity ng DITO American firm

SDC

Isang US cybersecurity firm ang napili ng Dito Telecommunity Corp. na maging “primary cybersecurity provider” nito para mabawasan ang pangamba na magagamit ang naturang telco sa pag-espiya ng China sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng Dito na napili nila na maging cybersecurity provider ang Fortinet. Ang Dito ay consortium ng Udenna Corp. ni Davao-based businessman Dennis Uy at ng state-run China Telecom.

Nilabas ang pahayag matapos ang kasunduan ng Dito at gobyerno na itayo ang mga cell tower sa loob ng military camps, gaya ng ginawa ng Globe Telecom at PLDT Inc.

Nangangamba ang marami, maging mga mambabatas, sa presensiya ng Chinese-run telco sa loob ng mga military camp.

Pinunto pa ng mga kritiko na may mga batas sa China na kapag pinag-utos ng kanilang gobyerno ay dapat maniktik ang mga kompanya nito sa ibang bansa.

Sabi naman ng Dito, hindi nila gagamitin ang kanilang mga kagamitan at istruktura para mangalap ng classified information mula sa mga sundalong Pinoy.

Giniit din ng Dito na ito ay isang “Filipino-owned and -managed company” na “pangangalagaan ang interes ng mga Filipino”.

The post Cybersecurity ng DITO American firm first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cybersecurity-ng-dito-american-firm/)

Walang komento