Recent Posts

Breaking News

CSU officials tutol sa academic freeze, mga estudyante umalma

Magkaiba ang pananaw ng mga opisyales at estudyante ng Cagayan State University (CSU) sa lumulutang na kampanyang academic freeze habang may coronavirus pandemic sa bansa.

Nagsimula ang blended learning sa naturang pamantasan noong Agosto 17 kung saan may online class para sa mga may internet connection habang binigyan naman ng printed module ang mga wala.

Sa ulat ng CSU Communicator, sinabi ni CSU Vice-President for Administration and Finance (VPAF) Ranhilio Aquino sa isang Facebook post na ang “academic freeze” campaign ay nakuha lang daw ng mga CSUan sa mga “gangster” at “hooligan” sa Maynila.

Kung ayaw umanong mag-aral ng mga estudyante ay hindi nila pipigilan, pero dapat aniyang huwag idamay ang mga gustong magpatuloy sa pag-aaral.

“No one is forcing you to study. You do not want to, fine,” aniya pa. “But leave those who wish to proceed to their earnestness.”

Sa Facebook post ni Aquino ay napaulat na nagkomento si CSU President Urdujah Tejada ng:

“Academic freeze for those who have no plans to live a good life.”

Nainis ang mga mag-aaral sa nabasang pahayag ng mga school official at sinabing maraming suliranin silang kinahaharap sa online learning gaya ng mabagal na internet connection.

@giles_vb: “How about you try doing online class with maximum activities, minimum discussion, slow internet, noisy surroundings, distractions, high limitations, and both teachers & students are struggling. STOP CHASING MONEY and listen to us for once. #AcademicFreezeNOW”

@ggimbaepsae: “May mga students at teacher naman po na kaya ang online class, malakas ang signal, may pera, tahimik ang sorroundings hindi nagsstrugle sa gadgets and internet connection. Paano naman po yung iba na nangungutang pa ng pera para lang may pang load para sa oc? Tapos mahina signal?”

@ajoy_shek: “Naku po naturingan pa naman Father ang isa, walang awa sa mga parehas naming naghihikahos sa buhay. Ikaw na kaya sa kalagayan namin at nang maranasan mo rin yo, pati rin ikaw Urduja gumising ka rin, pabagobago ka ng pinagsasabi”

@Trisia51206531: “I’m crying now cause I got 0 score in our activities Because I do not understand what the teacher is saying because it is too lag I would have been right in case. I suddenly lost the zoom so the teacher did not see my answer. So embarrassing, hina pa signal #AcademicFreezeNOW”

The post CSU officials tutol sa academic freeze, mga estudyante umalma first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/csu-officials-tutol-sa-academic-freeze-mga-estudyante-umalma1/)

Walang komento