Recent Posts

Breaking News

Crime rate sa ‘Pinas bumaba ng 47%

Halos kalahati ang nabawas sa insidente ng krimen sa bansa sa loob ng anim na buwang pag-iral ng mga community quarantine bunsod ng coronavirus disease pandemic.

Ayon kay Joint Task Force Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mula sa 31,661 na naitalang mga “focus crime” ng September 15-March 16, 2020, bumulusok ito sa 16,879 ng March 17- September 16.

Ang walong “focus crime” ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft at motorcycle theft.

Pinaka-dumalang na krimen ang pagnanakaw ng mga sasakyan ng 66%, mula sa 2,013 insidente patungong 693.

Gayundin sa robbery at motorcycle theft na mula sa 4,807 patungong 1,867, at mula sa 218 patungong 86, ayon sa pagkakasunod.

Maliit lang ang nabawas sa murder case na 22%, mula sa 3,197 tungong 2,509.

The post Crime rate sa ‘Pinas bumaba ng 47% first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/crime-rate-sa-pinas-bumaba-ng-47/)

Walang komento