Recent Posts

Breaking News

COVID positive sa PNPA sumirit sa 243

Umakyat sa 243 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police Academy, kasunod ng biglaang pagdami ng carrier sa naturang institusyon ilang araw na ang nakararaan.

Ayon kay PNPA director Police Major General Gilbert Cruz, mula 232 ay nadagdagan pa ang mga nagpositibo sa virus sa isinagawang mass testing.

232 sa mga nagpositibo ay mga kadeta, lima naman dito ay officer, dalawa ang non-officer habang apat naman ang nasa maintenance.

“After ng contact tracing, may mga lumabas din po na kailangan i-quarantine. Mayroon po tayong 359 na nasa quarantine facility,” lahad ni Cruz sa dzBB.

Bagama’t apektado ng virus, tuloy pa rin ang klase sa PNPA sa bisa ng online class.

Matatandaan na ni-lockdown ang naturang academy hanggang September 30 para makontrol ang pagkalat ng virus.

The post COVID positive sa PNPA sumirit sa 243 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-pnpa-sumirit-sa-243/)

Walang komento