Recent Posts

Breaking News

COVID-positive sa Kamara 76 na

Nadapuan ng COVID-19 ang congressional staffer ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, ito na ang pang-76 na kaso ng coronavirus sa House of Representatives.

Huli aniyang pumunta ang staffer sa Kamara noong Setyembre 1 pero hindi nakasalamuha ang mga tauhan sa ibang tanggapan.

Ito, isang araw matapos sabihin ni Brosas na nagpositibo siya sa COVID-19.

Samantala, sa 76 coronavirus case sa Kamara, 15 umano ang aktibong kaso.

The post COVID-positive sa Kamara 76 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-kamara-76-na/)

Walang komento