Recent Posts

Breaking News

COVID-positive na Pinoy abroad 10,116 na

May tatlong bagong kaso ng mga Pinoy abroad na nahawa sa COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Dahil dito, 10,116 na ang mga COVID-19 case ng mga overseas Filipino.

Samantala, ayon sa DFA, may 1 bagong kaso ng pagkamatay mula sa Middle East and Africa region habang may 9 bagong gumaling.

Dahil dito, 758 na ang death toll habang 6,284 na ang recovery count sa mga Pinoy abroad.

Sa ngayon, may 3,074 Pinoy overseas ang nagpapagaling para sa COVID-19.

Kabilang dito ang 2,334 sa Middle East at Africa region, 307 sa Asia Pacific region, 269 sa Europe, at 164 sa Americas.

The post COVID-positive na Pinoy abroad 10,116 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-na-pinoy-abroad-10116-na/)

Walang komento