Recent Posts

Breaking News

COVID kumalat sa libing, birthday party sa Isabela

Umabot sa pitong katao ang tinamaan ng COVID-19 sa Luna, Isabela sa isinagawang libing at birthday party ng isang pamilya.

Ayon kay Luna, Isabela Mayor Jaime Atayde, tatlo ang sapul ng virus matapos pumunta ang mga ito sa libing noong Agosto 14.

Sunod nito, Agosto 28 ay nagsagawa rin ang parehong pamilya ng birthday celebration kung saan tatlong dumalo din ang nagpositibo sa COVID-19.

Isa namang empleyado ng city hall sa bayan ng Cauayan ang present sa parehong okasyon ang kinapitan din ng virus.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahawaan ng COVID-19 dahil sa mass gathering sa Isabela.

Naunang napaulat na isang estudyante ang nagka-virus matapos ang face-to-face class ng isang pribadong eskuwelahan na dinaluhan ng lampas 20 katao.

The post COVID kumalat sa libing, birthday party sa Isabela first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-kumalat-sa-libing-birthday-party-sa-isabela/)

Walang komento